Oh well.
The good news is that it's September and it's that time of year again that the women below return to my life:



(In any order)
Salon manager pinaliguan ng bala
(Pilipino Star Ngayon) Updated September 14, 2009 12:00 AM
MANILA, Philippines - Isang operation manager ng isang beauty salon na si Bong Felipe Bio V ang pinagbabaril at napatay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Rizal, Makati City kamakalawa.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang banyo. Nagtamo siya ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Nakagapos pa ang mga kamay ng biktima at natatapalan ng packaging tape ang bibig.
Nabatid na nawawala naman ang pitaka ng biktima at cellphone habang wala namang iba pang ginalaw sa loob ng bahay.
Bagama’t hindi inaalis ng pulisya ang anggulong pagnanakaw, malaki naman ang kanilang hinala na may malaking galit ang salarin sa biktima dahil sa dami ng tama ng bala sa ulo at katawan. Posible rin umanong kilala ng biktima ang salarin dahil walang palatandaan na puwersahang pinasok ang bahay. (Danilo Garcia)
+++